NANG MAG-ALA RAMBO NI
Isang Pagninilay sa Hostage-taking sa Maynila
Muli na namang bumaba ang dati nang mababang pagtingin sa Pilipino dahil sa nangyaring hostage taking nitong nakaraang Lunes (Agosto 23, 2010). Nag-ala Rambo si Rolando Mendoza nang tinangka niyang kalabaning mag-isa ang isang hukbo ng militar na nakapaligid sa kanya. Produkto rin kaya siya ng di makatotohanang pagpapakita ng buhay sa mga pelikula na kung saan ang isang tao ay mananalo laban sa isang hukbong sandatahang. Hindi kapani-paniwala pero totoo.
Pansariling kapakanan ang inisip ng hostage taker na ito at hindi kahihinatnan nito sa pangkalahatang imahe ng ating bansa. Sinadya niyang i-hostage ang mga banyagang Intsik para makaakit ng atensyon mula sa pamahalaan. Sarili lamang ang inisip niya at ipinain niya ang bayan, pati turismong makakatulong
Notoryoso na ang mga militar, pulis at traffic enforcer sa mga ganitong nakakalungkot na pangyayari, sila na dapat magtanggol at magtaguyod ng batas, sila pa ang nangongotong sa tao, nai-involve sa droga, prostitusyon at bank robbery, at ngayon, hostage taking. Yung mga nagsisikap iligtas ang mga biktima, ngayon, sinisisi pa!
Inilagay ni Rolando Mendoza ang batas sa kanyang mga kamay. Buti na lamang napaslang siya, dahil tiyak susundan pa siya marami pa, kasi iisipin nila mas maganda ang mang hostage para makuha mo ang gusto mo. Siguro ang susunod mga Japanese tourists naman, o Korean.
Sinisisi ang mga operatiba ng kapulisan at ibang mga operatiba sa kakulangan sa kahandaan. Dapat nga silang purihin dahil una, nagpapatunay na hindi terrorist country ang Pilipinas. Bihira ang ganitong mga pangyayari sa ating bansa. Pangalawa, sa likod ng kakulangan, napigil nila ang mas marami pang napaslang kung hindi man lahat. Tanggapin natin na sa mga ganitong mga rescue operation, may maaaring maganap na collateral damage. Ito ang mga hindi sinasadyang maganap sa mga biktima gawa ng pagresponde o pagsaklolo sa kanila. Huwag na natin silang sisihin, kundi bagkus dapat pa ngang purihin at parangalan.
Kung ipinahuli man ang kapatid ni Mendoza, hindi dapat itong isisi sa militar. Sumusunod lamang sila sa utos ng mga nakatataas at maski sino hindi maaaring santuhin sa mga ganitong pangyayari.
Hindi failure ang pagre rescue ng hostage, dahil na-contain naman ng mga militar ang sitwasyon, bago lumalim ang gabi.
Dapat purihin ang pamahalaan sa kanyang pagsusumikap ayusin ng mapayapa ang sitwasyon, subalit dapat lang nitong gawin ito sa konteksto na nakapaloob sa batas.
Kung pangit man ang imahe ng Pinoy at ng Pilipinas sa ibang bansa, lalung lalo na sa
Nakakainis tingnan na kitang kita mong stressed out na ang mga táong dinadala sa ospital at hinuhuli ng pulis at nakadukdok sa kanilang bibig ang microphone ng isa o ng mga reporters, makakuha lamang sila ng scoop, EKSLUSIBO! LIVE! Yan ang ipinagmamayabang nila. At ang mga Pilipino sa
Media mileage ang gusto ni Mendoza. Sinusundan lamang sila nina Trillanes at iba pa. Di kasi napapatay ang mga perpetrators. Ngayon, tingnan natin kung may susunod pa. Alam kasi ng mga potential hostage taker na kung gagawin nila ito, papatayin sila. Dapat nga, mas maaga pang pinatumba si
Kawawang mga OFW. Kinakawawa na nga sila ng mga oligarkiya ng bansang ito kaya nasa abroad sila. Bagong bayani raw silang naturingan, kasi dolyar ang hatid sa kanila, hain nila sa mga pulitikong magbubulsa ng kanilang mga tax remittances at ilalagay ang iba sa mga proyekto na pangalan at mukha nila ang nakalagay. Inapi na, ginigisa pa sa sariling mantika. Tapos, eto na naman.
Habang nakikiramay tayo sa mga
No comments:
Post a Comment